Though I’ll love you more if ‘you’ll never ask me to change.’ LOL
Category Archives: From ohyesitsg.tumblr
Paghihiwalay
Hindi ko matandaan kung sino yung kasama natin nung mga panahong iyon, pero malinaw sa ‘kin na makalagpas ang tatlong babaan sa MRT pa-norte, maghihiwalay na tayo nang sabihin na lang nating… mahaba-habang panahon. Ang babaw no? Yung ibang naghihiwalay, sa airport nagdadrama. Pero tayo, akalain mo nga naman, MRT. Hindi ko rin alam kung bakit doon pa natin naisipang gumawa ng kwento, ang dami-dami namang pwedeng dramahan.
“Saan na kayo pupunta pagkatapos sa Sitka?”
“Magda-dock yata kami pabalik ng Miami, tapos Toronto na.”
“Ah ganun ba? Mag-ingat ka dun ah. Basta take ka ng maraming pictures ah, tsaka babalitaan mo ko palagi. Okay ba?”
“Opooo. Subukan kong kumuha ng signal dun. Sana lang, maabutan kitang gising kapag online ako.”
Isang estasyon na lang. Naghari ang katahimikan sa pagitan nating dalawa. Hindi ko na rin kasi maisip kung ano pa ang sasabihin ko sa ‘yo.
Kung ako lang ang masusunod, ayaw kitang umalis.
Hindi ako makapaniwalang iiwanan na ako ng taong lubos na nagpapasaya sa akin sa pamamagitan lamang ng kanyang mga ngiti. Yung pangungulit niya. Yung utak niyang hindi ko alam kung anong laman. Yung mga ganung bagay na para sa iba, pang-siraulo, pero para sa akin, kaya kong ibigay ang lahat, manatili lang sa akin.
“Cubao station. Cubao station.”
“Oh, text-text na lang kapag nasa airport ka na ah. Bakit ba kasi kelangan mo pang dumaan sa apartment? Ayan tuloy, napalayo ka pa.”
“Sorry na boss. Opo, text ako agad. Magpapaalam lang ako sa mga tao sa bahay.”
Isang hakbang papalabas ng pinto. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang braso. Bahagyang hinila. Nang magtapo ang ating mga tingin, hinalikan ko siya nang matagal. Banayad. Halik ng pangungulila. Tumingin siya sa akin nang matagal nang may pagtataka. Umalis siya nang tahimik, at hindi na humingi ng paliwanag.
Kung sinabi ko bang matagal na kitang minamahal, iiwan mo rin kaya ako?
Pero siyempre, hindi ko na malalaman iyon. Malamang, nananaginip lang pala ako. Hehe.
Dear crazy boy,
My apologies for the loss of words whenever you grab me in your arms and hold me tight. Or my weird responses when you pester me at the most random of times. But I don’t know, it seems that I love the way you communicate with me even though the world sees that as childish and harsh and oftentimes jokingly offensive.
Truly, there’s no tinge of mush in the way you treat me. Yet my heart believes that it is how you speak love, and that all I need is to understand by loving you back. In silence.
With much love and patience,
The girl who’s crazy over you
